^

PM Sports

Arellano balik sa porma

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalo pang inilugmok ng Arellano University ang Mapua University nang itarak nito ang 64-59 panalo kahapon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sa pagmartsa ng Chiefs si Axel Doromal na humataw ng 16 points at dalawang rebounds habang kumamada si Cade Flores ng double-double showing na 14 points, 11 rebounds kasama ang dalawang blocks para pamunuan ang Chiefs sa panalo.

Ito ang ikaapat na pana­lo ng Arellano para sumulong sa 4-3 rekord matapos ang dalawang sunod na kabiguan na tinamo nito noong nakaraang linggo.

Ratsada rin si Shane Menina na nagrehistro ng 13 points, pitong rebounds at dalawang assists gayundin si Jade Talampas na gumawa ng pitong puntos at tatlong rebounds.

“Alam natin ano yan, second place last NCAA. So intact yung line-up. So kailangan talaga trumabaho kami sa depensa. Di pwedeng relax. Pag nag-relax ka don, patay na naman kami,” ani Arellano head coach Cholo Martin.

Lamang ang Chiefs ng 10 puntos sa fourth quarter nang maglatag ang Cardinals ng 8-0 run para makadikit sa 54-64.

Subalit agad na nagi­sing ang Arellano nang magsanib-puwersa sina Doromal, Flores at Menina para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Mapua.

Nasa ilalim ng stan-dings ang Cardinals na wala pa ring naipapanalo sa pitong pagsalang.

Sa katunayan, maganda ang simula ng Mapua nang gulantangin nito ang San Beda sa opening day.

Subalit na-forefeit ang nag-iisang panalo ng Cardinals sa Red Lions dahil sa pagpasok ng ineligible player na si Gab Gamboa sa lineup. 

MAPUA UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with