^

PM Sports

Young puntirya ang GM status

Chris Co - Pang-masa
Young puntirya ang GM status
Si IM Angelo Young (kanan) habang nagpapaliwanag sa TOPS ‘Usapang Sports’.

MANILA, Philippines — Walang iba kundi ang inaasam na Grandmaster (GM) title ang nasa isipan ni International Master (IM) Angelo Young.

At nais ni Young na maisakatuparan ito bago matapos ang taong ito.

“Yung Grandmaster title, yan ang ultimate dream naming mga players. Hindi pa huli ang lahat at kung papalarin ngayong taon, makukuha natin ang GM title bilang oldest player na makakuha ng GM,” ani Young kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) kahapon sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

Para maisakatuparan ito, kailangan ni Young na lumahok sa malalaking torneo upang makalikom ng puntos.

Lalahukan ni Young ang 2022 Asian Senior sa New Zealand sa Oktubre.

Nakakuha ng tiket si Young sa Asian Senior matapos pagharian ang 11th Datu Arthur Tan Seniors Chess Championship kamakailan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“This is the start of my European Tour Circuit  para makuha yung GM title. Pag naipanalo ko yung mga tournament na sasalihan ko, awtomatic makukuha ko yung GM title,” ani Young.

Sasalihan din ni Young ang World Senior Cham­pionship sa November 14-27 sa Assisi, Italy; 33ste Open van Leuven  sa November 10-13 sa Leuven, Belgium; The Grand Memorial Rene Vannerom sa December 2-3 sa Brussels, Belgium;  IX Sunway Sitges International Chess Festival sa December 11-22 sa Sitges, Barcelona, Spain at  Basel Christmas Chess Festival sa December 26 -30 sa Basel, Switzerland.

ANGELO YOUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with