^

PM Sports

Cam From Behind reyna sa Sampaguita Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga ka­rerista ang pagkapanalo ni class A rider Kelvin Abobo at ng Cam From Behind sa 2022 PHIL­RA­COM “Sampaguita Stakes Race” na inilarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Inilista ng anak ng Havana at Miss Lemon Drop na Cam From Behind ang tiyempong 2:07.2 sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ang P1.2 milyong premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pa­mumuno ni chairman Reli De Leon.

Segundong tumawid sa meta ang Mommy Ca­ring na nag-uwi ng P450,000, tersero ang La Li­ga Filipina na nagbulsa ng P250,000, habang pu­mang-apat ang Isla Puting Bato na sumungkit ng P100,000.

Pag-aari ni Melaine Habla, kinalawit ng bre­eder ng winning horse ang P100,000.

“We have just witnessed a very exciting race with the outcome d­e­cided only in the final strides. Expect more of such in the weeks to come as the industry gears up for the big events which is a trademark of every final trimester of the year,” ani De Leon.

Hindi inapura ni Abo­bo ang Cam From Be­hind sa largahan at hi­nayaan nitong mauna at maglutsahan sa unahan ang Mommy Caring at La Liga Filipina.

Tumutok lang ang Cam From Behind sa Mommy Caring at La Li­ga Filipina pero pagsapit ng far turn ay nagkapa­nabayan na ang tatlo at na­kihalo pa ang Isla Pu­ting Bato sa unahan.

Pagsapit ng rekta ay nakuha ng Mommy Cariing ang unahan at napagtiyagaan ni Abobo na itulak at paluin ng latigo ang Cam From Behind kaya nakaungos ito pagdatiing ng meta.

vuukle comment

SAMPAGUITA STAKES RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with