^

PM Sports

Coo hiniling ang suporta ng mga NSAs

Russell Cadayona - Pang-masa
Coo hiniling ang suporta ng mga NSAs
Bong Coo.

MANILA, Philippines — Hanggang kahapon ay tanging si Officer-in-Charge (OIC) Bong Coo pa lamang ang naitatalaga bilang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kaya naman hiniling niya ang suporta at koo­perasyon ng mga National Sports Associations (NSAs) habang wala pang mga opisyales na nailuluklok si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

“Hinihiling ko lang sa different NSAs, konting pasensya. Have patience so we can address your needs,” wika ng dating national bowler at Hall of Famer. “Soon, we will have a Board.”

Wala pang napipili si Marcos na ipapalit kay William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng sports agency matapos ang termino ng ng nakaraang PSC Board noong Hunyo 30.

Ayon sa 74-anyos na three-time world boxing champion, dapat ituloy ng mga national athletes ang kanilang training bilang paghahanda sa mga lalahukang international events kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo ng 2023.

“Sa mga atleta, tuloy lang ang training kasi marami tayong events at tournaments na sasalihan next year,” sabi ni Coo.

“At sa mga Filipino people, tuluy-tuloy lang po na ipagdasal natin ang mga atleta natin. Let’s work together, because together we can achieve anything,” dagdag ng PSC Commissioner.

vuukle comment

BONG COO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with