^

PM Sports

Batang Pier dapa sa bossing

Russell Cadayona - Pang-masa
Batang Pier dapa sa bossing
Ipinagpag ni Blackwater rookie Ato Ular si NorthPort veteran Arwind Santos para sa kanyang basket.

MANILA, Philippines — Nakawala man ang itinayong 14-point lead sa third period ay nakabawi naman ang Blackwater sa final canto para sa 97-90 paggupo sa NorthPort sa PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Umiskor si veteran guard JVee Casio ng 22 points tampok ang tatlong triples para sa ikalawang panalo ng Bossing sa tatlong laro.

Nahulog naman ang Batang Pier sa pangalawang dikit na kamalasan matapos ang 2-0 pani­mula.

“I have high respect for coach Pido (Jarencio). Siguro sumama iyong loob niya dahil sa timeout but I have to do what I have to do,” sabi ni coach Ariel Vanguardia na binangga ni Jarencio imbes na makipagkamay matapos ang laro.

Nagdagdag si rookie forward Ato Ular ng 17 markers para sa Blackwater na inilista ang 72-58 abante sa 3:10 minuto ng third period mula sa 48-48 pagkakatabla sa halftime.

Bumida naman si Roi Sumang para idikit ang NorthPort sa 75-77 agwat sa pagbubukas ng fourth quarter.

Ngunit isang 16-3 atake ang binitawan ng Bos­sing kasama ang fast­break basket ni big man Barkley Ebona para muling makalayo sa 93-78 sa huling 6:38 minuto ng final canto.

Mula rito ay hindi na nakahabol ang Batang Pier.

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with