Bagong kulay ng berde at asul
Sanay akong makita na sa tuwing maglalaban ang mahigpit na magkaribal na Ateneo at La Salle eh, nagkukulay asul at berde ang buong game venue.
Kitang-kita mo kung nasaan ang mga Lasalista at Atenista.
Alam nating napaka-intense ng game sa tuwing maghaharap ang dalawang eskuwelahang ito.
Talagang very supportive ang mga fans ng Ateneo at La Salle sa Blue Eagles at Green Archers.
Hindi lang sa basketball nangyayari iyan, kahit anong sports, ramdam mo ang rivalry sa tuwing maghaharap ang dalawang universities na iyan…
Pero noong Martes, iisa ang kulay ng crowd. Kulay pink.
Parang nasa laban ka ng Creamline sa PVL… Puro pink.
Siyempre, hindi lahat naka-pink. Mayroon pa ring mga naka-blue at naka-green.
Hindi naman mapipilit ang lahat, pero pink talaga ang crowd sa venue.
Kahit pala matinding magkaaway, puwedeng magkaisa.
Pero siyempre, sa lahat ng laban, may nananalo, may natatalo.
Lutang man ang kulay pink pero nangibabaw ang blue sa bandang huli sa panalo ng Ateneo sa La Salle.
- Latest