^

PM Sports

7th win kinana ng Fighting Maroons

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na kamada ng University of the Philippines (UP) nang paamuhin nito ang National University (NU), 84-76, upang makuha ang kanilang ikapitong sunod na panalo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang pinakamahabang winning streak ng UP sa Final Four era na nagpatatag sa kanila sa No. 2 spot tangan ang 7-1 baraha.

Naging matikas na sandalan ng Fighting Ma­roons si Carl Tamayo na nagtala ng career-high 21 points kasama ang 10 rebounds at tatlong steals.

Nagtala pa si Zavier Lucero ng 16 points, wa­long rebounds at tatlong blocks habang umani rin si Ricci Rivero ng 16 points at anim na rebounds para sa UP.

Nanguna para sa Bulldogs si John Lloyd Cle­mente na may 18 points at tatlong rebounds.

Bagsak ang Bulldogs sa 4-4 marka.

Sa ikalawang laro, nagsalpak si Matty Erolon ng game-winning triple ng Adamson University (AdU) para itakas ang 64-63 panalo laban sa Far Eastern University (FEU).

Umangat sa 2-6 ang Adamson habang nahulog sa 3-5 ang FEU.

Samantala, sinuspinde ng UAAP management committee ng isang laro si University of Santo Tomas player Bryan Santos dahil sa  disqualifying foul na nagawa nito sa laban ng UST at Ateneo noong Sabado.

Nanaig ang UST sa University of the East, 72-61, upang makabalik sa porma tangan ang 3-5 baraha.

Sa huling laro, hindi matinag ang reigning champion Ateneo de Ma­nila University nang payukuin nito ang De La Salle University, 75-68, para makuha ang ikawalong sunod na panalo.

Nanatili naman ang La Salle sa ikatlong puwesto bitbit ang 5-3 marka.

 

MALL OF ASIA ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with