^

PM Sports

St. Benilde Blazers isinalya ang Lyceum Pirates

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaagad bumalikwas ang St. Benilde Blazers mula sa naunang kabiguan makaraang patumbahin ang Lyceum Pirates, 79-68, sa NCAA Season 97 men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Bumangon ang Bla­zers sa nalasap na 63-67 pag­katalo sa nagdedepensang Letran Knights noong Sabado para sa kanilang 1-1 record, habang nalaglag ang Pirates sa 0-2.

Ipinasok ni JC Cullar ang dalawang free throws para sa 76-65 kalamangan ng St. Benilde sa huling minuto ng fourth quarter kasunod ang triple ni Robi Nayve para selyuhan ang kanilang panalo sa Lyceum.

Tumapos si Nayve na may 17 points para sa Bla­zers at may 15 at tig-11 mar­kers sina Will Gozum, Cullar at Al Benson, ayon sa pagkakasunod.

Sa unang laro, umiskor si Kim Aurin ng 20 points para igiya ang Per­petual Altas sa 77-56 pa­gdaig sa kontra sa Jose Ri­­zal University Hea­­vy Bom­­­bers.

“Siguro iyong excitement lang ng mga bata kasi for two years, hindi nakapaglaro ng basketball so ito iyong chance ni­la kaya ang ganda ng nangyari sa amin,” sabi ni Perpetual coach Myk Saguiguit na nakahugot kay Jeff Egan ng 14 points.

Hindi na nakaba­wi ang Jose Rizal nang ma­ba­­on sa 38-64 sa third pe­riod.

ST. BENILDE BLAZERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with