Mga palabang sabungero nagpalista na para sa “Pistahan”
MANILA, Philippines — Isa-isa nang nagrereserba ng kanilang slots ang mga nais lumahok sa “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” sa Abril 21 hanggang Mayo 23 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City.
Naunang nagpalista ang dating Las Vegas singer na si Nico Fuentes na sa kasalukuyan ay nagbi-breed ng panabong sa Aklan at si Fil-Am James Jamul ay magpapasok ng tig-isang entry sa Abril 25 at Mayo 16.
Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird bilang sponsor ang P3 milyong garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay P4,400.
Ang championship prize ay P1.7 milyon.
Walong 2-cock eliminations ang nakalinya sa Roligon Mega Cockpit na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988 kapalit ng dating Parañaque Cockpit Stadium o kilala din bilang 7-Up dahil nasa tabi ng pabrika ng softdrink.
Ang mga eliminasyon sa Roligon ay sa Abril 21, 25 at 28 at Mayo 2, 5, 12, 16 at 19 at may P100,000 day champion prize.
Karagdagan sa mga eliminasyon sa Roligon ang mga provincial elimination sa Zamboanga City (Manny Dalipe/Bobby Fernandez, Batangas (Kred Katigbak), Pangasinan (Osmond Lambino) at Tuba, Benguet/Baguio City (Tonyboy Tabora) at Albay (Jahn Gloria) na walang day champion prizes.
Inaayos din ang eliminasyon sa Tagbilaran, Bohol at sa Morong, Rizal sa pakikipag-ugnayan kina Mayor Baba Yap at Kano Raya.
Nagtala rin ng kanilang entries sina Ramon Josue, Marruel Terrobias (SCAT JM Gamefarm), Kano Raya, Mike Mangana, Ken Cantero, Jun Consuelo, Ronald Aquino, Glenn Mars Gamefarm, Engr. Ernie Otaza (E.O. Agusan Fighters), Boyet Plaza at TJ Marques ng Texas Cockpit Arena.
Para sa detalye tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa 02-519-7345; Shirley 0920-9509090.
- Latest