Lomotos hari ng 11th LBC Ronda
BAGUIO CITY — Kinoronahan ni Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance ang kanyang sarili bilang hari ng 1th LBC Ronda Pilipinas kahapon dito sa Burnham Park.
Nagposte ang 27-anyos na si Lomotos ng aggregate time na 35:31:38 para ungusan ng 21 segundo si teammate Ronald Oranza.
Ibinulsa ng tubong San Felipe, Zambales ang premyong P1 milyon sa nasabing 10-stage bikefest na nagsimula sa Sorsogon City.
Nakasama si Lomotos sa main group na tumawid sa fnish line ng 3.1-kilometer criterium at tumapos sa 20th place.
Si Ryan Tugawin ng Excelent Noodles ang naghari sa Stage 10 sa kanyang oras na 1:17:15.
Ito ang unang Ronda crown ni Lomotos makaraang sumegunda kay Navy teammate George Oconer noong 2020.
Naagaw ni Lomotos ang overall lead matapos manalo sa 174.4-kilometer Echague-Baguio Stage Nine noong Sabado.
Inangkin ng Navy ang pang-pitong Ronda team crown sa kanilang total clocking na 103:56:27.
- Latest