Oranza ‘di bibitaw sa overall lead sa Stage 7
LUCENA CITY — Pipilitin ni Ronald Oranza ng Navy Standard Insurance na protektahan ang kanyang overall lead sa pagpadyak ng Stage Seven ng 11th LBC Ronda Pilipinas ngayon dito sa Baler, Aurora.
Isusuot ni Oranza ang red LBC jersey sa paghataw ng 180.4-kilometer stage na magsisimula sa provincial capitol.
Nalampasan ng 30-anyos na si Oranza ang pagkakabutas ng kanyang gulong at pamumulikat sa panalo sa Stage Six para agawin ang individual general classification lead kay Jonel Carcueva ng Go for Gold.
Pumoste ang 2018 Ronda champion ng aggregate time na 18 oras, 46 minuto at 4 segundo kasunod sina Jan Paul Morales (18:46:46) ng Excellent Noodles at Carcueva (18:49:01).
Humahabol din kay Oranza sina Mervin Corpuz ng Excellent Noodles (18:50:51), Jeremy Lizardo ng Navy Standard Insurance (18:52:36), Mar Francis Sudario ng Excellent Noodles (18:55:01), Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance (18:55:04), Jericho Jay Lucero ng Go for Gold (18:55:10), Daniel Ven Carino (18:56:21) at John Mark Camingao ng Navy Standard Insurance (18:56:45).
Itinaas din ni Oranza ang Navy sa team event sa naitalang 53:41:57 sa ilalim ng Go for Gold (54:00:28) at Excellent Noodles (54:29:24).
- Latest