^

PM Sports

Suns umeskapo sa Magic

Pang-masa

ORLANDO, Fla. — Tumipa sina Deandre Ayton at Landry Shamet ng tig-21 points at sinupalpal ni Mikal Bridges ang panabla sanang 3-pointer ni Franz Wagner sa 102-99 pagtakas ng NBA-leading Phoenix Suns sa Magic.

Matapos ang dala­wang free throws ni Came­ron Payne sa hu­ling 6.9 segundo ng laro para sa three-point lead ng Phoenix (52-13) ay blinangka ni Bridges ang tangkang tres ni Wagner sa huling posesyon ng Orlando (16-50).

Nagtala rin si Ayton ng 19 rebounds at iniskor ang huling dalawang basket ng Suns kabilang ang isang putback sa 1:31 minuto matapos agawin ng Magic ang 98-97 abante.

Nagdagdag si Payne ng 18 points at 12 assists para sa Phoenix na muling naglaro na wala sina injured All-Star guards Chris Paul at Devin Booker.

Sa Oklahoma City, ku­mamada si Giannis Ante­tokounmpo ng 39 points, 7 rebounds at 7 assists sa 142-115 pagmasaker ng nagdedepensang Milwaukee Bucks (41-25) sa Thunder (20-45).

Sa San Francisco, nag­tala si Jonathan Ku­minga ng 21 points sa 112-97 paggiba ng Gol­den State Warriors (44-22) sa Los Angeles Clippers (34-33).

Sa Memphis, nag­lista si Ja Morant ng 24 points, 8 rebounds at 8 assists sa 132-111 pagbugbog ng Grizzlies (45-22) sa New Orleans Pelicans (27-38).

Sa Charlotte, nagsalpak si Kyrie Irving ng siyam na triples para sa kanyang 50 points sa 132-121 pagdaig ng Brooklyn Nets (33-33) sa Hornets (32-34).

DEANDRE AYTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with