^

PM Sports

Batang Pier palalakasin ang tsansa sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng NorthPort ang kanilang ikaapat na sunod na ratsada para palakasin ang tsansa sa eight-team quar­terfinal round ng PBA Governors’ Cup.

Lalabanan ng Batang Pier ang Blackwater Bos­sing ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang sal­pukan ng mga quarterfinalists na Magnolia Hotshots at Meralco Bolts sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa 0-5 panimula ay humataw ng tatlong dikit na panalo ang NorthPort (3-5) para makasilip ng pag-asa sa quarterfi­nals habang asam ng si­bak nang Blackwater (0-8) na mapigilan ang PBA record na 27-game losing slump simula noong 2020 Philippine Cup bubble sa Clark.

“Ganyang kalaban ang pinakadelikado, iyong nothing to lose?” ani Batang Pier coach Pido Jarencio sa Bossing.

Nagmula ang NorthPort sa 101-93 panalo laban sa Phoenix (4-5) at nakalasap ang Blackwater ng 100-109 kabiguan sa nagdedepensang Barangay Ginebra (5-4).

Sa ikalawang laro, pipilitin ng nangungunang Magnolia (7-1) na dakmain ang isang upuan sa Top Four sa quarterfinals sa pagharap sa Meralco (6-2).

Sa kabilang banda, ipa­parada ng Phoenix si Du’Vaughn Maxwell matapos palitan si Dominique Sutton para mapalakas ang pag-asa sa quarterfinals.

Samantala, muling ma­kakasama ni veteran guard Jericho Cruz ang dati niyang college coach na si Leo Austria matapos pumirma sa isang three-year contract sa San Miguel.

Nagtapos ang termino ni Cruz sa NLEX noong Lunes at mas piniling ma­ging isang unrestric­ted free agent para ma­kakuha ng mas malaki at mas mahabang kontrata sa ibang koponan.

Naglaro ang 31-anyos na si Cruz sa ilalim ni Austria para sa Adamson Falcons sa UAAP.  

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with