Saan aabot si Huey?
Long shot, pero may pag-asa si tennis ace Treat Huey na umukit ng sariling magandang kasaysayan at panatilihin ang ratsada ng mga Filipino athletes sa international competitions.
Sumasabak siyang muli sa Australian Open at habol niyang lagpasan ang quarterfinals showings sa men’s doubles noong 2014 at 2016.
Kasama niya si Indonesian Christopher Rungkat sa partnership na nagwawagayway ng Southeast Asian banner.
Tagumpay sila sa first round kung saan nag-rally sila mula sa first-set loss para padapain ang tandem nina Edouard Roger-Vasselin ng France at Rohan Bopanna ng India, 3-6, 7-6 (7-2), 6-2.
Pero hanggang saan makakarating ang kanilang partnership sa mabigat na Grand Slam event?
Hindi pa nakalagpas sa quarterfinals ng kahit anong Grand Slam si Huey, samantalang hindi pa nakatalon sa Round 2 si Rungkat.
Rivals sa Southeast Asian Games sina Huey at Rungkat. Three-time gold winner ang Fil-Am netter samantalang proud five-gold holder ang Indonesian, liban pa sa mixed gold medal na napanalunan sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games.
Maagang bumagsak si Fil-Canadian Leylah Fernandez sa Australian women’s singles. At mas masakit ang sinapit ni Alex Eala na hindi umabot sa main draw ng tournament sa kanyang home club sa Mallorca, Spain.
- Latest