Si Tatay at si Utoy
Sa wakas, may tinig na kahinahunan at kaayusan na narinig sa bangayan sa Baryo Atletiko.
Actually, away pamilya ukol sa allowance ni Utoy ang usapin. Kaso, bambong malupit ang inilabas ni Tatay, at ayaw naman palupig ni Utoy na matapang na lumalaban sa halip na magpaliwanag na lang ng maayos.
Gusto pa ni Utoy humingi sa kanya ng paumanhin ang kanyang mga nakakatanda sa harap ng mga tao sa barangay, sa halip na liwanagin na lang ang isyu.
Kasabay nito ang paghanap ni Utoy ng kakampi sa mga mas nakakatandang kamag-anak. Ang desisyon ng angkan: Malupit ka Tatay, hindi ka na namin kikilalaning kamaganak, at aarugain na lang namin si Utoy.
Ang balik ni Tatay: “Itinatakwil ka na namin, Utoy!”
Mainit ang usapin na pinagpipiyestahan ng barangay-- bagay na nakakatawa at nakakahiya kung maririnig ng mga kapit-barangay.
Mabuti at nagmamasid si Chairman at nagpahiwatig ng paalaala at suhestiyon ng kahinahunan.
Ang opisina ni Chairman ang source ng ayudang pumopondo sa allowance ni Utoy. Sa bandang huli, dawit ang investment ng barangay kay Utoy sa usaping ito.
Paalala ni Chairman: Lahat tayo eh nagkle-claim na tayo ay matuwid. So plantsahin natin ang problema na gaya ng tunay na matuwid.
Huwag na nating iliko ang usapin o maghanap ng kalikuan sa bawat isa.
- Latest