Gaballo kumuha ng Cuban coach
MANILA, Philippines — Kinuha ng kampo ni Reymart Gaballo si Cuban trainer Osmiri Fernandez upang makatulong sa paghahanda nito laban kay reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “ The Filipino Flash” Donaire.
Ayon kay Sanman Promotions chief JC Manang-quil na siyang humahawak kay Gaballo, nasa puspusang paghahanda na ang Pinoy pug kasama ang Cuban mentor sa Miami, Florida.
Sa ilalim ni Fernandez, ilang mabibigat na training sessions ang pinagdadaanan ni Gaballo para masiguro na handa ito bago sumabak kay Donaire.
“Sobrang focused niya sa training and maganda na ang porma niya,” ani Manangquil.
Kabilang na ang mitts, sparring sessions at ilang kilometrong running sessions ang ginagawa ni Gaballo.
Kabisado na rin ni Gaballo ang estilo ni Donaire.
Aminado si Gaballo na malaking karangalan na makaharap ang kanyang iniidolo.
“Matagal ko ding hinintay na mabigyan ako ng chance para sa isang world title fight kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Ibubuhos ko na lahat,” ani Gaballo.
- Latest