^

PM Sports

Alapag wagi sa G-League debut bilang asst. coach

John Bryan Ulanday - Pang-masa

CEBU, Philippines — Tinambakan ng Stockton Kings ang Santa Cruz Warriors, 122-97, upang regaluhan si assistant coach Jimmy Alapag ng matagumpay na debut sa NBA G-League kahapon sa Kaiser Perma­nente Arena sa California.

Bumida para sa Stock­ton, ang G-League af­filiate team ng NBA squad Sacramento Kings, si Louis King na kumamada ng 33 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Nagtala naman ng 24 at 21 markers sina Neemias Queta at Jahmi’us Ramsey, ayon sa pagkakasunod, upang suportahan si King sa 1-0 simula ng Stockton.

Nagsisilbi si Alapag na deputy mentor kay Stockton head coach Bobby Jackson kasama sina Will Scott at Akachi Okugo.

Napasali siya sa G- League coaching staff ng Kings matapos maging bahagi ng kampeonato ng Sacramento sa 2021 NBA Summer League noong Agosto.

Noong 2019 ay na­ging assistant coach na rin si Alapag para sa Sacramento sa Summer League bago makasama sa regular season staff ng G-League ngayon.

G-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with