May pagdudurang naganap sa Game 3
Jackson Corpuz ipinatawag
MANILA, Philippines — Hindi lamang sa hardcourt tensiyonado ang cham-pionship series ng TNT Tropang Giga at Magnolia para sa 2021 PBA Philippine Cup kundi maging sa social media.
Sa kanyang Instagram account ay inakusahan ni TNT Tropang Giga center Poy Erram ang isang player ng Magnolia na nandura at tumira sa kanyang mga teammates sa kanilang 98-106 pagkatalo sa Game Three noong Linggo sa Bacolor, Pampanga.
“Basketball is a physical game and everybody knows that. But if you do something beyond that: it’s downright disrespectful and it reflects on who you are as a person,” sabi ng 6-foot-8 na si Erram sa kanyang Instagram post. “Taunting and trash-talk, that’s part of the game. If you get hit, prepare yourself and just play cause it’s part of it.”
“But hurting someone on purpose and spitting on (their) faces and end up enjoying it???? You have no right to be in this league or anywhere else,” dagdag pa nito.
Sa 3:02 minuto ng third period ay binigyan ni Hotshots forward Jackson Corpuz ng hard foul si Tropang Giga big man Troy Rosario.
Nabalian ng daliri sa kamay si Rosario matapos lumagapak sa sahig mula sa pagbalya ni Corpuz na ipinatawag ng PBA Commissioner’s Office kahapon para pakinggan ang kanyang bersyon.
Posibleng ang 6’5 na si Corpuz ang tinutukoy ni Erram sa kanyang Instagram post na nanira sa kanila.
“You are an adult you know what you’re doing and please don’t give the excuse na nadala sa emotion! Thats b___s___ and you know that! ‘Wag mong hayaang masira ang pangalan mo dahil sa mga ganyan (sitwasyon) na alam mo naman na ikakasasama mo,” ani Erram.
Matapos ang pagkatalo ng TNT sa Magnolia ay hindi naman naitago ni team owner Manny V. Pangilinan ang kanyang pagkadismaya sa tawagan ng mga referees.
Tinawagan ang Tropang Giga ng kabuuang 32 fouls kumpara sa 25 ng Hotshots na nakadikit sa 1-2 sa kanilang best-of-seven title showdown.
- Latest