Carmelo, Davis bumida sa panalo ng LA Lakers
LOS ANGELES — Nagsalpak si Carmelo Anthony ng 28 points, habang may 22 markers si Anthony Davis para akayin ang Lakers sa 121-118 pagtakas sa Memphis Grizzlies.
Nagdagdag si LeBron James ng 19 markers para sa unang panalo ng Lakers ngayong season at nalampasan ang hinataw na 40 points ni Ja Morant sa panig ng Grizzlies.
Inupuan ni Anthony ang ninth spot sa NBA all-time scoring list sa kanyang 27,423 career points para ungusan si legend Moses Malone.
“I just think there’s a feeling about our group that we’re OK,” sabi ni Lakers coach Frank Vogel matapos ang komprontasyon nina Davis at Dwight Howard sa naunang kabiguan nila sa Phoenix Suns.
Sa Sacramento, naglista si Stephen Curry ng 27 points at naging unang player sa Golden State Warriors franchise history na nakapagposte ng 5,000 assists sa kanilang 119-107 pagdaig sa Kings.
Nag-ambag si Jordan Poole ng 22 points, habang nagsumite si Draymond Green ng 14 points, 6 rebounds at 7 assists para sa 3-0 marka ng Warriors.
Sa New York, humataw si Miles Bridges ng 32 points at humugot si Smith ng 11 sa kanyang 15 points sa fourth quarter para igiya ang Charlotte Hornets sa 111-95 paggiba sa Brooklyn Nets.
Itinaas ng Hornets ang kanilang kartada sa 3-0.
Pinamunuan ni Kevin Durant ang Nets sa kanyang 38 points at nagtala si James Harden ng 15 points.
- Latest