^

PM Sports

Rose Jean Ramos bagong weightlifting talent

Russell Cadayona - Pang-masa
Rose Jean Ramos bagong weightlifting talent
Rose Jean Ramos.

MANILA, Philippines — Lumutang ang bagong weightlifting talent sa katauhan ni Rose Jean Ramos matapos kumopo ng dalawang gold at isang silver medal sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nanguna ang 16-anyos na si Ramos sa snatch sa binuhat niyang 67 kilograms at may total lift na 147kgs. sa women’s 45kg division.

Ang unang buhat ng tubong Zamboanga City sa snatch event ay 63kgs na kanyang itinaas sa 65kgs. bago iposte ang 67kgs sa final attempt para sa gintong medalya.

Tinalo ni Ramos sa snatch sina Ruth Fuentefria (63kgs) ng Spain at Najla Khoirunnisa (62kgs.) ng Indonesia.

Naglista naman si Ramos ng total lift na 147kgs para makamit ang gold medal at ungusan sina Oliwia Drzazga (143kgs) ng Poland at Khoirunnisa (142kgs.).

Ang silver medal ay kinuha ni Ramos sa clean and jerk sa kanyang itinalang 80kgs. sa ilalim ng 85kgs ni Drzazga kasunod si Khoirunnisa (80kgs).

Inangkin ng 14-anyos na si Jeaneth Hipolito ang bronze medal sa snatch event ng women’s 40kgs category para simulan ang kampanya ng bansa sa nasabing torneo.

Sasalang rin sina Adrian Cristobal (men’s 61kg B), Albert Ian Delos Santos (men’s 61kg B), Christian Rodriguez (men’s 67kg B) at Lovely Inan (women’s 49kg A).

ROSE JEAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with