De los Santos naka-2 golds
MANILA, Philippines — Balik sa paghakot ng medalya si Orencio James De los Santos sa online international karate tournaments matapos kumana ng dalawang ginto sa magkaibang torneo.
Nasikwat ni De Los Santos ang ginto sa 2nd Kantana Intercontinental League kung saan tinalo nito si Alfredo Bustamante ng Amerika sa finals ng men’s kata individual seniors.
Muling umarangkada ang Pinoy karateka sa E-Karate World Series Sixth Leg nang pataubin nito si Marco Mastrocola ng Italy para angkinin ang ginto.
Sa kabuuan, may 34 gintong medalya na si De Los Santos sa taong ito para matatag na kapitan ang unang puwesto sa world ranking hawak ang 30,475 puntos.
- Latest