Cignal HD humugot ng 3 players
MANILA, Philippines — Hinugot ng Cignal HD Spikers ang tatlong matitikas na players upang ma-ging solido pa ang lineup nito para sa Premier Volleyball League (PVL) sa susunod na taon.
Pasok sa HD Spikers sina opposite hitter/middle blocker Angeli Araneta, playmaker Angel Cayuna at libero Bia General na galing sa magkakaibang koponan.
Naglaro si Cayuna sa Perlas Spikers sa Open Conference ng liga sa Bacarra, Ilocos Norte.
“She’s ready to set a new standard. Awesome-nation, let’s give a warm welcome to our newest team member Angel Cayuna,” ayon sa post ng Cignal HD sa kanilang social media.
Sa kabilang banda, parehong huling nasila-yan sina Araneta at Ge-neral sa Philippine Superliga suot ang Generika-Ayala jersey.
Malaking dagdag si Araneta sa opensa lalo pa’t malalim ang karanasan nito para makatuwang nina team captain Rachel Anne Daquis, Janine Marciano, May Luna, Fiola Ceballos, Janine Marciano at Roselyn Doria.
Makakapares naman ni General sa floor defense si seasoned libero Jheck Dionela habang magiging kapalitan ni playmaker Ayel Estranero si Cayuna sa setting department.
Mainit naman na tinanggap ng HD Spi-kers ang tatlong players sa kanilang koponan.
Target ng HD Spikers na malampasan ang masaklap na kampanya nito sa Open Conference kung saan nagtala lamang ang tropa ng isang panalo sa siyam na laro.
Matagal-tagal pa ang pagbabalik-aksiyon ng PVL matapos magdesis-yon ang organizers na ilipat ang second conference ng liga sa susunod na taon.
Kaya naman may pagkakataon pa ang HD Spikers na bumuo ng chemistry sa mga bagong recruits nito partikular na kay Cayuna na kakapain pa ang perpektong set sa kanyang mga spikers.
- Latest