^

PM Sports

Bejino sasalang uli

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling papagitna si para swimmer Gary Bejino sa pagsabak sa kanyang ikalawang event sa Tokyo Paralympic Games sa Tokyo Aquatic Centre.

Lalangoy si Bejino, nagbukas sa kampanya ng Team Philippines sa quadrennial event, ngayong alas-9:36 ng umaga sa heat 1 ng men’s 50-meter butterfly S6 category matapos mangulelat sa men’s 200-meter individual medley SM6 event sa kanyang itinalang 1:17.19 tiyempo noong nakaraang Huwebes.

Sasalang din si Bejino sa 400-meter freestyle S6 sa Set. 2 at ang 100-meter backstroke S6 sa Set. 3.

Minalas naman si national swimmer Ernie Gawilan na makalangoy ng medalya nang pumuwesto sa sixth place sa finals ng men’s 400-meter freestyle S7 kahapon sa kanyang tiyempong 4:56.24 minuto na mas mabilis ng dalawang segundo sa nailista niya sa preliminaries noong umaga.

Samantala, nagpositibo rin sa COVID-19 si discus thrower Jeanette Aceveda at kanyang coach na si Bernard Buen at naka-quarantine. Di nakasama sa Tokyo si power-lifter Achelle Guion pati ang dalawang coaches at isang
opisyal na nagpositibo rin sa coronavirus..

Sasabak uli ngayong alas-9:03 ng umaga si Gawilan sa heat 2 ng men’s 100m backstroke S7.

vuukle comment

GARY BEJINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with