^

PM Sports

Jumbo Plastic Basilan maraming naasahan tungo sa tagumpay

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Jumbo Plastic Basilan maraming naasahan tungo sa tagumpay

MANILA, Philippines — Bagong mga bida ang lumutang para sa Jumbo Plastic-Basilan, patunay ng balanse at solidong koponan nito tungo sa perpektong dominasyon ng kauna-unahang Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.

Matapos sina Season MVP Hesed Gabo at Mindanao leg Finals MVP Chris Bitoon, sina Jay Collado at Michael Mabulac naman ang umariba upang tanghaling co-Finals MVP ng overall finals kontra sa Visayas champion KCS-Mandaue.

Nagrehistro si Collado ng 12 puntos at 5.7 rebounds habang may average na 12.3 markers at 11.3 rebounds naman si Mabulac na kasama rin sa Mindanao leg Mythical Five.

“‘Yung Mythical Five sob-rang tuwa ka doon. Nagulat ako doon tapos ito pa champion na, Finals MVP pa,” ani Mabulac matapos ang 83-65 title clinching win nila sa Game 3 matapos kunin ang Game 2 sa 94-67 at Game 1, 96-91.

Pinakyaw ng Basilan ang mga individual awards subalit pinakamatamis ang pagkumpleto ng malinis na 13-0 kampanya upang maging unang VisMin Super Cup kings kontra sa 16 iba pang koponan

Naunang winalis ng Peace Riders ang Mindanao leg, 10-0, bago muling umiskor ng 3-0 sweep kahit pa kontra sa Visayas titlist na Mandaue.

Nag-uwi din ang Basilan ng P1 milyong pabuya mula sa Chooks-to-Go habang nagkasya sa P500,000 ang Mandaue.

vuukle comment

VISMIN SUPER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with