Pinoy athletes Training agad
MANILA, Philippines — Hindi na nag-aksaya ng panahon ang ilang miyembro ng Team Philippines na nasa loob na ng Athletes’ Village para sa kanilang preparasyon sa nalalapit na Tokyo Olympic Games.
Kaagad sumabak sa ensayo si rower Cris Nievarez sa Sea Forest Waterway, habang nagbanat naman ng kanilang mga kalamnan sina Fil-Australian Luke Gebbie at Fil-American Remedy Rule sa Tokyo Aquatics Center.
Si Nievarez ay ginabayan sa training nina coaches Shukhrat Ganiev ng Uzbekistan at Edgardo Maerina, sumabak sa men’s single sculls event noong 1988 Seoul Olympics.
Sisimulan ni Nievarez ang kampanya ng Pinas sa kanyang pagsagwan sa men’s single sculls sa Biyernes bago ang ope-ning ceremony.
Nasa Athletes’ Village na rin sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at Elreen Ando ng weightlifting, gymnasts Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam.
Nagpapawis naman si taekwondo jin Kurt Barbosa sa Makuhari Messe Hall A para paghandaan ang kanyang kampanya sa men’s flyweight division sa Sabado.
Si Jayson Valdez ay naghahanda na rin sa kanyang laban sa men’s 10-meter air rifle sa Linggo sa Asaka Shooting Range.
Kasama na rin sa dele-gasyon si skateboarder Margielyn Didal na nanggaling sa isang training camp sa Los Angeles, California.
- Latest