Middleton naasahan ng Milwaukee
ATLANTA — Muling ipinakita ni Khris Middleton na hindi lamang isa ang star player ng Milwaukee Bucks.
Humugot si Middleton ng 20 sa kanyang playoff career high-tying 38 points sa fourth quarter para pamunuan ang Bucks sa 113-102 pagpulutan sa Hawks sa Game Three ng kanilang Eastern Conference finals duel.
Nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 33 markers para sa ikalawang sunod na panalo ng Milwaukee na uma-ngat sa 2-1 sa kanilang serye ng Atlanta.
“What he did today was unreal,” wika ni Antetokounmpo kay Middleton. “He was unbelievable. Carried the team at the end. What I saw today was greatness. Simple as that.”
Tumapos si Middleton na may 11 rebounds at 7 assists. Humataw naman si Trae Young ng 35 points para sa Hawks na kinuha ang 13-point lead sa first period hanggang agawin ng Bucks ang 82-80 bentahe mula sa basket ni Bobby Portis Jr. sa huling 1:47 minuto ng third quarter.
Ang three-pointer ni Danilo Gallinari, nagtala ng 18 points, ang muling nag-angat sa Atlanta sa 85-83 sa pagtatapos ng nasabing yugto. Sa pagbubukas ng final canto ay nagsimulang kumamada si Middleton kung saan tumipa siya ng 20 points para sa Milwaukee.
Samantala, pipilitin ngayon ng Phoenix na tuluyan nang umabante sa NBA Finals sa unang pagkakataon sapul noong 1993 sa pagsagupa sa Los Angeles Clippers sa Game Five ng kanilang Western Conference finals series kung saan hawak ng Suns ang malaking 3-1 lead sa kanilang duwelo ng Clippers.
- Latest