^

PM Sports

MPBL, NBL, VisMin Cup sama-sama sa Champions League

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilulunsad ng Chooks-to-Go Pilipinas ang Champions League tampok ang mga koponan sa MPBL, NBL at VisMin Super Cup para sa makasaysayang pagtatambal kapag lumuwag na ang quarantine restrictions sa bansa.

Magbabanggaan ang mga top teams ng bawat liga sa Luzon, Visayas at Min-danao upang matanghal na kauna-unahang national champion ayon kay Chooks-to-Go president at sports patron Ronald Mascariñas sa unity press conference kasabay ng Araw ng Kalayaan kahapon.

“Sama-sama naming ipapakita ang pagkakaisa at ipapadama ang tunay na puso para sa pinakamamahal nating Pilipinas,” ani Mascariñas, may-ari ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 League.

Hindi pa nagsisimula sa ngayon ang mga naturang liga na pawang suportado ng Chooks-to-Go pero nakaplano na ang pagbabalik-aksyon nila matapos madiskaril ng COVID-19 surge nitong mga nakaraang buwan.

Inaasahan ang pagbubukas ng VisMin Super Cup Mindanao leg ngayong buwan habang sa Hulyo naman ang NBL-Pilipinas at WNBL na gaganapin sa dalawang lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine.

Mula naman sa tradisyunal na June 12 opener kasabay ng Independence Day ng Pilipinas ay sa Setyembre na idaraos ang Mumbaki Cup ng MPBL na lalahukan ng 19 na koponan.

Noong nakaraang taon ay nagdaos  ng bubble season ang NBL-Pilipinas sa Pampanga habang tinapos ng MPBL ang divisional finals ng Lakan Season noong Marso sa Subic.

Katatapos lang din ng Visayas Leg  ng VisMin Super Cup  sa Cebu na pinagwagian ng Mandaue City.

Samantala, itinalaga ng VisMin Super Cup si dating PBL Commissioner Chino Trinidad bilang consultant nito. (JBU)

 

VISMIN CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with