^

PM Sports

Sage Tolentino pumukaw ng atensiyon

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sage Tolentino pumukaw ng atensiyon
Sage Tolentino

MANILA, Philippines — Nagpasiklab si Gilas Pilipinas prospect Sage Tolentino sa Ryze Hoops Tip Off Classic sa Atlanta tungo sa pambihirang Top Performer honor bilang paghahanda sa pagpapatuloy ng high school stint sa Hawaii at pag-akyat sa US NCAA kalaunan.

Naglalaro para sa The Skills Factory, na dati ring koponan ni Filipino tower sensation Kai Sotto,  napili ang Filipino-Hawaiian big man na isa sa elite top performer players sa U17 division na nilahukan ng 39 na teams sa US.

“Sage has so much promise and makes a huge impact on both ends of the floor. Defensively, he contested eve-rything in the paint and nothing came easy for opposing teams,” anang Ryze Hoops sa ipinamalas ni 7-foot-0 teen star mula sa Honolulu. “He also showed a well-rounded skill set on offense, with good footwork on the block and the ability to knock down shots from the perimeter.”

Patuloy ang ensayo ni Tolentino sa TSF bago bumalik sa home team na Maryknoll High School sa Hawaii kung saan may dalawang taon pa siyang gugugulin.

Noong nakaraang taon lang bago ang pandemya ay ginabayan ni Tolentino ang Spartans sa Hawaii state championship sa likod ng mga numerong 13.5 puntos, 8.3 rebounds at 3.5 blocks.

Sa 2022, inaasahan ang pagpasok niya sa US NCAA matapos mag-commit sa Auburn Tigers na pinagmulan din ni NBA legend Charles Barkley.

Bago ang commitment sa Auburn ay nakakuha rin siya ng offers sa Kansas, Cincinnati at Tennessee State.

 

 

 

SAGE TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with