Aldridge sa Brooklyn na
NEW YORK — Idinagdag ng Brooklyn Nets si All-Star free agent forward LaMarcus Aldridge para makatuwang nina superstar James Harden, Kevin Durant at Kyrie Irving sa kanilang hangad na NBA Finals appearance.
Sa pagkakakumpleto ng buyout sa kontrata ni Aldridge sa San Antonio Spurs ay didiretso ang seven-time All-Star sa Brooklyn.
Nabigo ang Spurs na i-trade ang 36-anyos na si Aldridge bago ang league deadline noong Huwebes.
Nauna nang nagpakita ng interes ang Miami Heat kay Aldridge ngunit sinabi ng kanyang agent na si Jeff Schwartz sa ESPN noong Sabado na lalagda siya ng kontrata sa Brooklyn, nasa second place sa Eastern Conference sa likod ng Philadelphia 76ers.
Noong nakaraang linggo ay nakuha ng Nets si free agent Blake Griffin, dating No. 1 NBA draft pick, mula sa Detroit Pistons.
- Latest