Gaballo-Rodriguez rematch
Utos ng WBC
MANILA, Philippines — Iniutos ng World Boxing Council (WBC) ang rematch sa pagitan nina interim WBC bantamweight champion Reymart Gaballo at Emmanuel Rodriguez.
Ito ang desisyon ng WBC matapos i-review ang laban nina Gaballo at Rodriguez noong Dis-yembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut kung saan nakuha ni Gaballo ang split decision win para makopo ang WBC interim bantamweight title.
Hindi tanggap ng kampo ni Rodriguez ang pagkatalo at umapela sa WBC para i-review ang laban.
“After the WBC received a formal appeal, a committee of ring officials completed a tho-rough analysis and review of the match. The result is the order of free negotiations for an immediate rematch between Gaballo and Rodríguez,” ayon pa sa statement.
Wala pang petsa ang laban nina Gaballo at Rodriguez.
Inilabas din ng WBC na nakatakdang depensahan ni WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ang kaniyang titulo sa Marso.
Nakasaad sa statement ng WBC na ang mananalo sa title defense ni Oubaali ay obligadong harapin sa susunod na laban si four-division world champion Nonito Donaire na mandatory contender para sa WBC crown.
- Latest