Helterbrand may bagong astig na helmet
MANILA, Philippines — Nakatanggap ng maagang pamasko si PBA cager Jayjay Helterbrand na ipinakita niya sa kanyang Instagram account.
Masayang binubuksan ni Helterbrand ang bago niyang mamahaling helmet na regalo sa kanya at excited na gamitin sa pagra-ride.
“Unboxing my early Christmas present. thank you @triumphjtmnl @djaysonte for this surprise! See you on our next ride.” caption ni 44-year-old Helterbrand sa video na pinost sa IG.
Ang former PBA Most Valuable Player (MVP) na si Helterbrand ay kasama sa PBA Moto Club na binubuo ng mga PBA players na mahilig mag-rides sakay ang kanilang mga mamahaling motor.
Kasa-kasama ni Helterbrand sa pagra-ride ang best friend nitong si Mark Caguioa bukod pa kina James Yap, Marc Pingris, Rico Maierhofer, KG Canaleta, Sol Mercado, Joe Devance, JC Intal at iba pa.
- Latest