^

PM Sports

Ok na sa IATF

Russell Cadayona - Pang-masa

Bubble training ng Olympic athletes

MANILA, Philippines — Ito na ang pinakahihintay na magandang balita ng mga Olympic Games qualifiers at hopefuls.

Inaprubahan kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) Technical Working Group sa pamamagitan ng Resolution 88 ang kahilingan ng Philippine Olympic Committee (POC) na magbalik-ensayo ang mga national athletes sa ‘bubble’ set-up.

“Ang pag-conduct ng bubble-type setting ay gagawin sa pakikipag-ugnayan sa regional task force kung saan gagawin ang training at lokal na pamahalaan kung saan nandoon ang proposed venue,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.

Matagal nang hinihiling nina POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez sa IATF na payagan ang kanilang planong ‘bubble’ training para sa mga national athletes na mayroon nang tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at ang mga gustong makasama sa delegasyon.

Ipapasok ng PSC ang mga Olympic qualifiers at hopefuls sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Aca-demy sa Calamba, Laguna.

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroon nang Olympic ticket.

Kasalukuyang nagsasanay sina Obiena, Yulo at Marcial sa Italy, Japan at United States, ayon sa pagkakasunod, habang nag-eensayo naman si Magno sa kanyang probinsya sa Iloilo City.

Halos 82 pang national athletes ang naghahangad na makakuha ng Olympic slot sa pangu-nguna nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal ng skateboarding, 2019 World Champion Nesthy Petecio ng boxing at four-time Southeast Asian Games queen Kiyomi Watanabe ng judo.

Pumayag na ang mga National Sports Associations (NSAs) ng boxing, taekwondo at karatedo na ipasok ang kanilang mga atleta sa ‘bubbble’ sa Ins-pire Sports Academy na ginamit  sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 tournament.

 

vuukle comment

ATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with