^

PM Sports

Positive si Donaire

Chris Co - Pang-masa
Positive si Donaire

MANILA, Philippines — Na-withdraw si four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa nakatakdang laban nito kay Puerto Rican fighter Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) test na regular na ginagawa upang bantayan ang mga boxers bago ang laban.

Dalawang beses nang nakansela ang laban ni Donaire. Una na ang pakikipagtuos sana nito kay reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nordine Oubaali ng France sa Disyembre 12.

Subalit naudlot ito matapos magpositibo si Oubaali sa coronavirus dahilan para kunin si Rodriguez bilang kapalit na kalaban ni Donaire.

Tinamaan pa rin si Donaire ng COVID-19 sa kabila ng matinding health protocols na ipinatutupad ng grupo nito sa kanilang training camp kung saan sumailalim sa swab test ang lahat ng sparring partners nito.

Sa kabilang banda, ayon sa ulat ng Boxing Scene, posibleng matuloy pa rin ang laban ni Rodriguez kontra sa bagong kalaban na posibleng Pinoy boxer din at lumutang ang pangalan ni Reymar Gaballo subalit wala pa itong linaw dahil nasa undercard ito ng sana’y Donaire-Rodriguez fight sa naturang petsa.

FILIPINO FLUSH NONITO DONAIRE JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with