‘Share the Gift of Volleyball’ this Christmas
MANILA, Philippines — Nais iparamdam ni Premier Volleyball League, (PVL) star Nicole Tiamzon ang diwa ng Pasko sa mga kabataan at para maging masaya sila ngayong Disyembre.
Mamamahagi si Tiamzon ng bola at net ng volleyball bilang huling proyekto ng Yakap sa Komunidad, (YSK) Outreach ng Spike and Serve Philippines Inc. ngayong taon.
Pinamunuan ang nasabing outreach, kumakalap si BanKo Perlas Spiker open hitter Tiamzon ng mga ipami-migay kung saan ay nanawagan ito sa mga kapwa balebolista.
“If meron kayo mga gamit na bola (pero pwede pang gamitin) and if you guys have an extra net na hindi niyo na ginagamit hope you can donate it to us so we can send it to the communities who needs our help esp the victims of the typhoons (coz nawashed-out din even their volleyball equipment),”
Sinabi pa ni Tiamzon na magagamit nila ang kanilang ipamimigay na bola kapag normal na ang sitwasyon.
“This will be our Christmas gift to them para if okay na lahat and puwede na ulit maglaro they can use it na agad!” dagdag ni Tiamzon.
Inaabala ni Tiamzon ang sarili sa pagtulong sa kapwa habang naghihintay sa pagbabalik aksyon sa PVL sa susunod na taon.
- Latest