3 kabayo patok sa Cojuangco Cup
MANILA, Philippines — Maugong ang Panga-lusian Island, Chancetheracer at Viva Morena sa magaganap na Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na ilalarga sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Trending sa facebook page ng karera ang tatlong nabanggit na kabayo kung saan naging mainitan ang debate kung sino ang mananalo sa kanila kasama ang pito pang kalahok.
Ayon sa mga tiyem-pista, posibleng pumabor ang distansya sa Pangalusian Island na kilalang matulis sa rematehan.
May distansyang 2,000 meter ang karera kaya marami ang nagsasabing lamang ang mga deremateng kabayo.
Sa 2019 Presidential Gold Cup championship, sumegundo ang Pangalusian Island sa nagwaging Super Sonic pero nabitin lang ang una. Malakas ang bulusok ng Pangalusian Island pero kinapos ito at nanalo ang Super Sonic na sa ulo lang nagkatalo pagtawid ng meta.
Subalit inaasahang bakbakan ang masisilayan at mapapalaban ang Pangalusian Island dahil may mga kasali na matibay sa banderahan.
Nasasali rin sa usapan ang Gomper Girl na maganda ang ipinakitang performance nang manalo sa Golden Girl Stakes Race noong Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Ang ibang nagsaad ng pagsali ay ang Woderland, National Pride, Full Stream, Righteous Ruby, Sooner Time at Stella Malone.
- Latest