^

PM Sports

Solo kayod

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi masama ang kanyang numero pero hindi lumutang ayon sa ekspektasyon si Terrafirma top draft pick Roosevelt Adams.

Hindi lumabas ang inaasahang lethal combination nina CJ Perez at Adams. At dahil walang malaking pagbabago sa takbo ng laro, nanatili ang Terrafirma na favorite whipping boy ng liga. Nakabaon sila sa ilalim ng team standings at mukhang malabo nang sumungkit ng playoffs ticket-- bagay na lagi nilang nalalasap sa mga nakaraang conferences.

Saving grace ang individual numbers ni Pe-rez. Na-sustain niya ang kanyang showing sa kanyang super rookie year kung saan nag-contend siya sa MVP award bago nag-settle sa Rookie of the Year plum at Mythical Five citation.

Sa halfway point ng PBA bubble stint, 26.3 points ni Perez, 7.3 rebounds at 4.67 (averages) ang nakatala sa kanyang stats line.

Ang siste ay solo siyang angat na kumaka-yod sa Terrafirma. Dahil kulang sa suporta mula sa backcourt hanggang frontcourt, napupunta sa wala ang mga numero ni Perez.

Ang inaasahang tutulong kay Perez na bumuhat sa koponan ay lumabas na isang regular guy o team player na hindi nag-take charge.

Passive...

DATOS: Sina Vermon Indiongco, Steve Ong at Odie Chua ay Sporting Scorpions na take-charge guys sa Bagbaguin Elite Seniors League. Cheers mga kaibigan!

 

ROOSEVELT ADAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with