^

PM Sports

Princess Eowyn panalo kay Hernandez

Pang-masa
Princess Eowyn panalo kay Hernandez
Princess Eowyn

MANILA, Philippines — Kahit ibang hinete ang humawak, hindi pa rin napigilan ng mga kalaban ang pamamayagpag ng kabayong Princess Eowyn sa Sampaguita Stakes Race sa MetroTurf Racing Complex, Malvar, Batangas noong Linggo.

Napanatili ng Princess Eowyn ang korona sa Sampaguita Stakes Race sa gabay ni star jockey JB Hernandez sa oras na 1:55.6 (quartertimes 14, 22, 23, 25 at 30 seconds) sa 1,800-meter na karera.

Nagkampeon ang Princess Eowyn sa Sampaguita Stakes noong nakaraang taon na si  JB Guce ang hinete nito. Pumangatlo lang si JB Guce sakay ang Obra Maestro sa likod ng pumangalawang si Kevin Abobo sa Shanghai Grey.

“Medyo hindi maganda ang alis ng kabayo ko, kaya ang ginawa ko, sabi ko sa kabila naman, sigurado lalakas naman ang ere namin. So minentain ko lang ang puwesto ko. Sa rekta ko nakuha, noong umigkas pa, sabi ko panalo na ito,” ani Hernandez, na noong nakaraang linggo ay ipinananalo naman ang Work Bell sa Juvenile Filles and Colts Stakes Race.

Tumanggap ang may-ari ng Princess Eowyn na si Edward Vincent Diokno ng P1.2 million prem-yo samantalang sinungkit ni Melanie Habla ang P450,000 sa second place finish ng Shanghai Grey.

vuukle comment

PRINCESS EOWYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with