Thirdy Ravena pa-Japan na
MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang international stint ni three-time UAAP champion Thirdy Ravena sa Japan.
Matapos magpasyang hindi magpa-draft sa PBA ang UAAP three-time MVP mula sa Ateneo de Manila, maglalaro sa Japan B. League sa ilalim ng San-en Neophoenix bilang Asian import.
Sa Instagram story na pinost ni Ravena, ipinakita niya ang kanyang passport kasama ang ticket at may simpleng caption na “Paalam.”
Noong Hulyo pa sana lilipad patungong Toyohashi si Ravena pero nitong Lunes lang siya nakakuha ng Japanese visa at mga papeles sa Philippine Overseas Employement Agency (POEA).
Sumailalim din siya sa swab test noong Oktubre 13 bilang isa sa mga requirements ng liga at pagkalapag niya sa Japan ay sasailalim uli siya sa isang swab test at magku-quarantine siya ng ilang araw bago makakuha ng playing clearance.
Compressed ngayon ang B. League season dahil dalawang conference lang ito imbes na tatlo - ang East at West.
- Latest