^

PM Sports

Parusa kay Phoenix coach Louie Alas babala sa violators training protocols

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasampolan si head coach Louie Alas ng sarili niyang koponang Phoenix Fuel dahil sa paglabag sa health at safety protocols bilang babala sa lahat ng PBA teams.

Tatlong protocol violations ang nagawa ni Alas sa workout ng Fuel Masters sa Upper Deck gym sa Ortigas na nagresulta sa pagpapataw sa kanya ng 15-day suspension at isa na namang swab testing.

Ang mga ito ay ang pagpapalagay ni Alas sa kanilang physical therapist ng medical tape sa kanyang daliri, maagang pagpasok sa venue sa oras ng isa pang grupo ng Phoenix players at pagtapak sa court sa gitna ng isinasagawang decontamination.

“Wala akong idea na nag-violate ako until sinabihan ako ng management,” sabi ng 58-anyos na si Alas.

Sinabi ng team management na  sinusunod lamang nila ang regulasyong inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Joint Administrative Order (JAO) para sa mga koponan ng PBA, Philippine Football League (PFL) at national 3x3 men’s team.

LOUIE ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with