^

PM Sports

LeBron, The Rock nalungkot sa pagkamatay ni Black Panther

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
LeBron, The Rock nalungkot sa pagkamatay ni Black Panther
LeBron James at Chadwick Boseman

MANILA, Philippines — Nalungkot ang ilang mga atleta sa biglaang pagpanaw ng Hollywood aktor na si Chadwick Boseman kahapon (Biyernes sa America) sanhi ng stage 4 colon cancer. Siya ay 42-taong gulang.

Nagulantang ang mundo sa pagkamatay ni Boseman na mas kilala bilang King T’Challa sa live adaptation ng sikat ng Marvel character na Black Panther.

Social media ang naging medium ng mga atleta para magbigay ng respeto at tribute para sa aktor at nanguna rito si LeBron James na nag-post ng picture na magkasama sila ni Boseman at may caption na “Rest in Paradise King. #TheHellWith2020 #FCancer.*

Hindi rin makapaniwala ang da-ting wrestler at aktor ding si Dwayne ‘The Rock’ Johnson sa nangyaring ito at napa-tweet ng: “Hard to hear about this. Rest in love, brother. Thank you for shining your light and sharing your talent with the world. My love and strength to your family.”

Picture nina Boseman at NBA le-gend at superstar Kobe Bryant ang pinost ni New York Mets pitcher Marcus Stroman at may simpleng caption na “RIP Black Kings.”

Nagbigay din ng kanilang mensahe para kay Boseman sina NBA superstar Victor Oladipo, American football stars Russel Wilson at Patrick Mahomes at NBA legend Dwayne Wade.

 

CHADWICK BOSEMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with