^

PM Sports

Game-fixing

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Isa pa si Gerry Esplana, dating manlalaro at coach, ang nagbulalas ng frustration sa aniya ay nangyayaring game-fixing sa collegiate at commercial basketball,  sa isang panayam sa podcast.

Naisulat ko noong July ang hinanakit ni Glenn Capacio dahil inilaglag daw siya ng kanyang player noong hawak pa niya ang FEU team sa UAAP.

Sa kanyang appearance sa The Link podcast ni Rey Joble, naibulalas ni Esplana ang sentimyento sa parehong bagay. “Rampant,” ani Esplana sa nangyayaring hulugan ng laro.

Naramdaman, naulinigan at natuklasan niya ito nang hawak niya ang EAC Generals sa NCAA at ang Valenzuela team sa MPBL.

“Dati naririnig mo lang ang bagay na ito; discreet. Ngayon may mga players lantaran, sinasabi ito sa dugout,” ani Esplana.

Wish ni Esplana ay magbunga ang imbestigasyon na ipinasagawa ni Sen. Manny Pacquiao sa MPBL.

Pakiramdam ni Esplana ay sangkot mismo ang ilang team officials sa MPBL.

 “Sobrang dami kasi ng teams. Mukhang ‘yong iba, doon kumukuha ng pangsuweldo sa team,” sabi pa ni Esplana.

Para sa mga loko-lokong players, ito raw ang sideline nila.

“Ang gumagawa n’yan ‘yung mga dating PBA players na hindi na makabalik sa PBA o ‘yung mga amateurs na hindi nakapag-PBA,” ani Esplana sa mga manlalarong nagagapang ng mga game-fixers.

Hay!!! Buhay nga naman!

GERRY ESPLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with