^

PM Sports

ALA Promotions napilitang bitawan ang mga alagang boxers

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang hinaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic at ang pagsasara ng kanilang broadcast partner na ABS-CBN ang dalawang dahilan ng pagtiklop ng pamosong ALA Boxing Promotions, ang promotional outfit sa Cebu City na nagpakilala kina world champions Donnie ‘Ahas’ Nietes at Milan Melindo.

“ALA Boxing (ALA Promotions and ALA Gym) would like to say farewell and thank you to our supporters from all over the world,” pahayag ng kompanya. “The pandemic and the closure of our longtime broadcast network partner ABS-CBN, has affected the overall situation and future of the company.”

Sa paggiya ng ALA Boxing Promotions ng mag-amang Tony Alde-guer at Michael Aldeguer ay naging isang four-division titleholder si Nietes habang hinirang namang International Boxing Federation (IBF) light flyweight champion si Melindo.

Ang iba pang naging produkto ng Cebu-based promotional outfit ay sina world title contenders Z Gorres, Albert Pagara at Rey “Boom Boom” Bautista, “King” Arthur Villa­nueva, Jimrex ­“Executioner” Jaca at Mark “Magnifico” Magsayo.

Tampok sa 35 taon ng ALA Boxing ang kanilang pagtatambal ng Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya noong 2007 sa Cebu City nang pamahalaan ang World Boxing Organization (WBO) super flyweight title fight nina Gorres at Fernando Montiel na nagtapos sa kontrobersyal na split decision para sa Mexican.

Muling nagsama ang ALA at Golden Boy Productions para sa “Boxing World Cup” sa pagitan ng mga Pinoy fighters at Mexican boxers sa parehong taon sa Arco Arena sa Sacramento, California.

Itinampok sa nasabing boxing event sina Banal, Gorres, Bautista, Diosdado Gabi, Michael Domingo at Gerry Peñalosa.

“All our fighters will be released so they can look for greener pastures for their respective careers,” wika ng ALA Boxing Promotions.

vuukle comment

ALA PROMOTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with