^

PM Sports

PSC tiwala sa mga Olympic qualifiers

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa magandang ipina-pakita ni pole vaulter Ernest John Obiena sa mga nilalahukang kompetis-yon, umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na maduduplika rin ito ng iba pang Olympic qualifiers at hopefuls.

Matapos kunin ang silver medal sa 13th Triveneto International Meeting sa Trieste, Italy ay bronze medal naman ang ibinulsa ni Obiena sa IAAF World Diamond League Athletic Series sa Monaco.

Nakatakdang lumun-dag kagabi ang 6-foot-2 Pinoy pride sa virtual competition na tinawag na “Who is the Finest Pole Vaulter in the World?”.

Bukod kay Obiena, ang tatlo pang nakapasok na sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tok­yo, Japan ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Naniniwala rin si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na makakakuha ng Olympic slot si lady weightlifter Hidilyn Diaz, ang silver medalist noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

“We have Hidilyn Diaz who is really working hard to qualify,” ani Ramirez. “We have our boxers, judo and taekwondo and many others who are working to qualify (sa Tokyo Olympics). Even those athletes who are not qualifying for the Olympics and prepa-ring for the Southeast Asian Games.”

“Just stay focus. Don’t be discourage because you have an embedded element of discipline to surpass this crisis,” dagdag pa ng PSC chief.

Samantala, nagpasa-lamat si Ramirez kina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, ang kinatawan ng Tagaytay City sa Kongreso at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay dahil sa pagbabalik ng nawalang 50 porsiyento sa monthly allowances ng mga national athletes at coaches.

“One, iyong mga atletang nakunan ng 50 percent sa kanilang mga allowance, maibabalik iyon. Pangalawa, nag-appropiate rin sila ng pera para sa mga atletang pupuntang Olympics at tsaka ‘yung mga magte-train,” wika ni Ramirez.

Matatandaang ginamit ng gobyerno ang P110 milyon ng PSC sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Isinama naman ni Tolentino ang P180 milyon sa House Bill No. 6953 o Bayanihan 2 para sa nawalang 50 porsiyento ng monthly allowances ng mga national athletes at coaches hanggang Dis-yembre.

vuukle comment

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with