Chooks-to-Go 3x3 ready to go
MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagdaraos ng unang kumperensya ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 sa Setyembre.
Sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon ay sinabi ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 Commissioner Eric Altamirano na nakalatag na ang kanilang gagamiting health at safety protocols sa oras na payagan sila ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Kasama dito ang paggamit nila ng isang coronavirus disease (COVID-19) test sa mga players, coaches at staff na papasok sa ‘mini bubble’ ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 tournament.
“Double protection iyong gagawin namin. Instead of using rapid, we will using another test na I think it will be closer to the PCR (Polymerase Chain Reaction) ‘yung accuracy niya, ‘yung sensitivity niya mas malapit, Closer to the PCR than the rapid,” dagdag pa nito.
Ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 ang ikatlong kinilalang professional sport ng Games and Amusements Board (GAB) matapos ang Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL).
Nauna nang pinayagan ng IATF-EID ang PBA, PFL at Chooks-to-Go national 3x3 team na magbalik sa training at conditioning noong Hulyo 27 bago ito nadiskaril dahil sa pagpapatupad sa Modified Enanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite nitong Agosto 4-18.
Si Altamirano rin ang hahawak sa Chooks-to-Go national 3x3 squad na sasabak sa qualifying tournament sa Mayo para sa 2021 Tokyo Olympics.
- Latest