Miko Eala vs Rafa Nadal
MANILA, Philippines — Para sa isang tennis player, malaking karangalan ang makapaluan mo sa tennis court ang isang sikat na tenista hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Kaya naman proud na proud si Miko Eala, kapatid ng Australian Open Girls Doubles champ na si Alex nang makalaro niya ang world No. 2 na si Rafael Nadal na shinare niya sa kanyang Facebook account.
“Huge day for me yesterday as I got to hit with Rafa Nadal! If you listen closely you can hear me grunting... ang bigat ng bola,” sabi ng 17-gulang na si Miko, produkto ng Rafa Nadal Academy sa Malloca, Spain kung saan kasalukuyan ding nagte-training si Alex.
Si Miko ay nakatakdang lumaro para sa NCAA Division I school ng Penn State University.
- Latest