Blackwater Elite dati, move on na sa Bossing
MANILA, Philippines — Matapos ang mga isyu at kontrobersya sa gitna ng pandemya, handa na ang Blackwater sa bagong kabanata ng kanilang PBA life sa pagpapalit ng monicker ng team.
Kapag nag-resume ang 45th PBA Season pagkatapos ng COVID-19 pande-mic, tatawagin ang Blackwater team ni Dioceldo Sy bilang “Bossing” mula sa dating “Elite”.
Bahagi ang hakbang na ito ng Blackwater upang lalong mapalapit sa masa dahil matunog ang “Bossing” bilang alyas ng comedian actor at Eat Bulaga host na si Vic Sotto na planong maging endorser ng koponan sa hinaharap.
Kumpara sa Elite, mas positibo ayon kay Sy ang dating ng “Bossing” lalo na sa panahon ng pandemya para sa mga kapwa Pilipino.
Simbolo rin ito ng bagong bihis na Elite para sa pagbabalik ng 2020 Philippine Cup sa ilalim ni dating TNT coach Nash Racela.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay big-lang nag-anunsyo ang Blackwater na ibebenta na ang PBA franchise sa halagang P150 milyon matapos ang sa isyu sa premature training kahit wala pang go-signal ng PBA at go-vernment agencies.
Nagresulta ito sa mahigpit na warning mula sa GAB na huwag nang umulit at tumataginting na P100,000 na multa sa PBA.
Ngayon, handa na ang Blackwater na ibaon ang nangyari sa limot sa napipintong pagbabalik ng training ngayong linggo matapos ang nakatakdang COVID-19 testing sa Agosto 6-7.
- Latest