‘Di natapos ni VanVleet ang laro
MANILA, Philippines — Hindi natapos ni Toronto Raptor guard Fred VanVleet ang kanilang 110-104 scrimmage win kontra sa Portland matapos tumama ang kanyang tuhod kay Blazers guard Anfernee Simons sa first quarter ngunit inaasahang makakabalik din ito agad.
Bagama’t bumalik pa sa bench si VanVleet ay hindi na ito pinalaro.
“He knocked knees and I don’t think it was too bad,” sabi ni Raptors coach Nick Nurse. “But it’s just a scrimmage. There’s no sense in trying to play him through that in this deal.”
Hindi naman nakalaro para sa Portland si Damian Lillard dahil sa pamamaga ng kanyang kaliwang paa.
“He did have an X-ray,” sabi ni Blazers coach Terry Stotts. “The X-ray was negative. He does have some inflammation. I don’t expect it to be a long-term thing.
Samantala, kasama na si Kemba Walker sa unang pagkakataon sa laro ng Boston pero 9-minuto lang ito sumalang sa 117-103 panalo ng Celtics kontra sa Suns.
Nanalo rin ang Oklahoma City Thunder kontra sa Philadelphia, 117-103; India-na Pacers kontra sa Dallas, 118-111; at Houston kontra sa Memphis, 119-104.
- Latest