Desidido si Sy
MANILA, Philippines — Matapos ang biglaang desisyon ng pagbebenta ng prangkisa ay handang magpakumbaba ang Blackwater owner na si Dioceldo Sy at humingi ng tawad sa Philippine Basketball Association (PBA) at sa Games and Amusement Board (GAB).
“I’m sending a message to the GAB chairman (Abraham Mitra) if we can meet anytime so I can apologize to him personally,” ani Sy, may-ari ng Ever Bilena Cosme-tics, Inc. na distributor ng Blackwater. “I just want to quiet down the issues. I don’t want to create any animosity with anyone. I will also request for a meeting with our PBA commissioner (Willie Marcial).
Inihayag kamakailan ni Sy na ibinibenta niya ang Blackwater sa halagang P150 milyon matapos ma-lamang mapaparusahan ang kanyang team dahil sa isinagawang practice.
Bagama’t pinayagan na kasi ang PBA ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na makapagdaos na ng training at conditioning sa ilalim ng mahigpit na protocols, hindi pa ito pormal na pinasisimulan.
Dahil dito, pinatawan ng PBA ang Blackwater ng P100,000 na multa bukod pa sa agarang swab testing ng buong team.
Gayunpaman, desidido si Sy na ibenta ang prangkisa ngunit nanga-kong patuloy niyang io-honor ang lahat ng kontrata ng buong team hangga’t wala pang buyer. “I just hope we can swing the deal quickly on selling our franchise,” aniya.
- Latest