Pringle, Bowles nagkita sa US
MANILA, Philippines — Nagkrus ang landas ni Barangay Ginebra shooting guard Stanley Pringle at Rain or Shine Elasto Painters import Denzel Bowles sa Virginia, U.S.A.
Sa pinakahuling post ng Filipino-American baller sa kanyang Instagram, makikita na magkasama ang dalawa sa isang gym at tila naghahanda para sa isang basketball training.
“Came a long way since youngins hoopin 2gether in VA. A blessing catch up with @the_Lifr_of_Zel Denzel Bowles. Stay safe out here fam!” sabi ng 2019 SEA Games gold medalist.
Isa si Bowles sa maituturing na resident import ng PBA dahil limang beses na siyang nakapaglaro sa bansa at sa B-Meg Llamados niya ibinigay ang kanyang serbisyo noong 2012 na sinundan ng San Mig Coffee Mixers, Purefoods Star Hotshots, Star Hotshots at ang huli ay sa Rain or Shine.
- Latest