Okay na si coach Roger Gorayeb
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day noong Linggo isang magandang balita ang ibinahagi ni Gretchen Ho sa kanyang social media account.
Sa Instagram ibinalita ng dating Ateneo Lady Eagles middle attacker ang pagiging cancer-free ng isa sa mga most-de-corated coaches sa Philippine volleyball na si Roger Gorayeb.
“Faith over fear. It’s a miracle!!! Coach Gorayeb is now negative for cancer,” caption ni Ho sa kanyang post na litrato ng kanyang mentor at parehong naka-thubs-up. Mayroon na itong higit 14K likes.
Ikinuwento rin ng 22-time NCAA champion coach at dating national team tactician sa Woman In Action website ni Ho ang ilan sa mga detalye ng paglaban niya sa multiple myeloma - isang uri ng blood cancer.
“Meron akong serum test about a month ago, lumabas dun na negative na ako sa lahat. Parang zero. Cancer free na. Wala nang signs wala na akong lesions sa buto ko,” sabi ni Gorayeb.
Sumailalim sa walong cycles ng chemotherapy at apat na buwang dialysis si Gorayeb na bahagi ng kanyang gamutan at sa Hulyo 1 ang huli niyang session.
“Siyempre, ‘yung doctor ayaw pa rin niya sobra maging confident. July 1 ang last session ko. A week after nun, mag-papa-test ulit ako. ‘Pag nag-negative uli dun, maintenance na lang ako. Hopefully, ‘wag nang bumalik,” dagdag ng PLDT Home Fibr coach.
Noong Oktubre 2019 na-diagnose ng multiple myeloma si Gorayeb at mula noon ay naging mailap siya sa tao at noong Nobyembre ay nagkaroon ng benefit concert ang ilang volleyball superstars para sa kanya.
- Latest